Tags:
Fiction
Fantasy
Thriller
Ansisit
Tupig

Noong unang panahon bago ang giyera, sa Calibungan, Victoria, Tarlac, may mag-asawang nagngangalang Florentino at Florentina, ang tawag sa kanila ng mga tao doon ay Ka-Inggo at Ka-Ingga. Wala pang kuryente at liblib na lugar pa ang Calibungan noong mga panahon na iyon, gasera lang ang gamit nila upang maliwanagan ang paligid sa gabi.

Sa Tarlac ay may isang pagkain na parang suman. Kanin ito na may halong ibang sangkap na ibinalot sa dahon ng saging, tinatawag itong tupig.

Isang gabi, nagluluto si Ka-Inggo ng tupig sa kusina sa likod ng bahay. Pina-usukan niya ito sa kalan at iniwan para maluto ito buong gabi. Kinabukasan, pagbukas ni Ka-Inggo, wala na yung mga niluto niyang tupig. Nagtaka sya, baka kinain ng pusa o daga, pero naubos lahat ito.

Sumunod na gabi, si Ka-Ingga naman ang nagluto ng tupig para sana may pang merienda sila kinabukasan. Sa parehong paraan, iniwan niya ito para mapa-usukan at maluto buong gabi. Kinabukasan nang tingnan nya ang mga ito, wala na ulit ang mga tupig.

"Anung nangyayare sino ba kumukuha ng tupig natin?" pagtataka ni Ka-Inggo.

Nagluto pa ulit si Ka-Ingga ng tupig ng gabing iyon, parehas na paraan, parehas na kalan, parehas na proseso. Kinabukasan, parehas ang resulta. Nawawala nanaman ang mga niluto nilang tupig.

"Aba, may hindi tamang nangyayari dito ah. Hindi na kayang ubusin ng pusa o daga yung ganung karaming tupig sunod sunod na araw."

Kina-gabihan, naghanda ulit silang mag-asawa ng ilulutong tupig, pero sa pagkakataong ito, imbes na kanin ang nakalagay sa loob ng tupig, nilagyan niya ito ng mga bato.

Isinalang na nila ito sa lutuan, at tahimik silang nag-abang kung sino o ano ang kumukuha sa tupig.

Maya maya pa, may maliliit na tunog ng yapak ng paa ang narinig nya sa may bandang kusina. Mukhang marami ang mga ito.

Hinintay ng mag-asawa kung tunog ng napasong pusa o daga ang maririnig nila sa kusina, maya maya pa, may maliliit na boses na sumigaw sa kusina "Araaaay! araaaaay! ARAAAY!".

Gulat na gulat si Ka-Inggo at si Ka-Ingga at di makapaniwala sa mga naririnig. Maliliit na boses na sumisigaw ng aray ang nanggagaling sa lutuan ng tupig.

Madali nilang nilapitan ang mga ito, hawak ni Ka-Ingga ang gasera, at pamalo naman kay Ka-Inggo, pagdating sa kusina, nakita nilaa ang mga ito, MGA ANSISIT!

Mga maliliit na nilalang na maitim ang balat at tulis ang tenga, nakatayo ang mga ito sa paligid ng lutuan ng tupig at namimilipit sa sakit dahil napaso ang mga kamay nito sa nagbabagang bato na nasa loob ng kunyaring tupig.

"KAYO PALA ANG KUMUKUHA NG NILULUTO NAMING TUPIG HA!" galit na sabi ni Ka-Inggo, akmang papaluin ang mga ito.

"WAG PO!! PASENSYA NA PO!" Sigaw ng mga ito.

"Wag nyo po kaming saktan maawa na po kayo, nagugutom lang po kame." sabi ng isa sa mga maliliit na boses.

"Bakit nyo ninanakaw yung pagkain namen?" galit na tanong ni Ka-Ingga.

"Gutom na gutom na po kasi kame patawarin nyo po kame." sagot ng isa sa mga maliliit na nilalang.

"Ilang araw na po kasi kaming hindi makahanap ng makakain, ito lang po ang nahanap namin" pahabol ng isa sa mga ito.

"Bakit? Wala ba kayong tirahan? Bakit dito kayo sa bahay namin pumupunta?" Tanong ni Ka-Inggo sa maliliit

"Wala na po. Nasira na po yung gubat na tinitirahan namin"

"Pinagpuputol napo ng mga tao yung mga puno na tinitirahan namin dun sa gubat"

Tiningnan ni Ka-Inggo ang mga ito at sa di malaman na dahilan ay naramdaman nilang mag-asawa na nagsasabi ng totoo ang mga ito.

"Ganun ba? Sige ganito, pwede kayong kumuha ng tupig pero yung sapat lang para sa inyo. Pwede kayong kumuha pero huwag ninyong kukunin lahat, maghahati nalang tayo, wag na kayong magnanakaw ng pagkain." sabi ni Ka-Ingga

"Papayag kami na kumain kayo ng niluluto namin hanggang sa makahanap na kayo ng ibang matitirahan." dagdag pa ng mag-asawa.

"Heto may natira pa kaming pagkain, kunin nyo na ito para may pagkain kayo ngayong gabi." binigay ng mag-asawa ang natira nilang ulam.

"Salamat po, maraming salamat po, salamat po sa inyo." sabay sabay na pasasalamat ng mga ito.

Lumipas ang mga araw, kada umaga, kalahati na ang mga luto nilang tupig. Mukhang tumupad sa usapan ang mga maliliit na nilalang. Hindi na inuubos ng mga ito ang mga tupig.

Makalipas pa ang ilang buwan, ay hindi na nababawasan ang mga luto nilang tupig.

"Mukhang nakahanap na sila ng ibang tirahan." sabi ni Ka-Ingga.

"Oo nga." sagot ng asawa.

Author's Note

This story was passed down in my family for generations, starting from my great grandfather, to my grandfather, my father, and to me and my siblings. This is one of the many bedtime stories told to us by my dad, my lolo and even my lola whenever they put us to sleep. I hope this short story has entertained you the way it had entertained us from years of the past. I will write more stories passed down to us from my childhood in the future. Thank you for reading.

Tags:
Fiction
Fantasy
Thriller
Written on August 25, 2025
Completed on August 30, 2025
Published on August 30, 2025
Tupig
Author's Note